Nung una kitang makita
Parang ako’y nabihag mo na
At ng ikaw ay makilala
Unti-unting napupuna
Damdamin ko ay ibang-iba
Ikaw lang ang inaasam
Na makapiling at makasama
Ngayong tayo ay magkasama
O giliw ko, sampung taon na
Dalangin na lang sa t’wina
Na sana ay magtatagal pa
Hindi lang taon
Pang habang panahon
Walang iwanan sa ere, di ba?
Mahal kita
Tunay ‘to sinta
Mahal kita
Walang iba
Entries (RSS)
master jin, ayos ah. very poetic. he-he-he!