Kislap ng ‘yong mata
Ngiti mong kay ganda
Wangis mong kahali-halina
Sa bawat kilos mo
Taglay ay isang bango
Na nagsisilbing walang hanggang samyo
Pag-ibig mo’y isang umaga
Bukang liwayway ng isang pag-asa
Pagsuyong pang habang buhay
Ang s’yang nadarama Pagkat kasama ka
Awitin kong alay
Tinitibok ng puso
Pagsuyo na sinasamo
Sana ay dinggin mo
At ito’y damhin mo
Sa pagsapit ng dilim
Mahal ikaw pa rin
Dalangin ko’t hinihiling-hiling
Inaasam-asam, minimithi-mithi
Asahan mong ito’y hanggang libing
Pag-ibig mo’y isang umaga
Bukang liwayway ng isang pag-asa
Pagsuyong pang habang buhay
Ang s’yang nadarama pagkat mahal kita
Entries (RSS)